facebook - kajandusay twitter - kianventures instagram - kianventures wechat - kianventures kian's adventures noted :) thoughts banat at jokes quotes on pictures one liner posts quotes timeless news trivia ni kuya ki kian's adventures o, diba? Image Map

Kahit ako ay biglang gulat sa aking natuklasan, na ang Tardiness ko ay higit pa sa isang araw kong pagtatrabaho, kaya ako’y labis na nabahala sa aking sarili. Ano ba talaga nangyayari sa akin at naging ganito ako?

Ayun, hindi naman iyon ang issue. Ang issue ang pagiging late ko. Kaya napag isipan kong buhusan ng pagmamahal ang sarili ko na matagal kong hindi nagawa.

Dahil nga ako’y palaging late sa anumang lakad na aking puntahan, naisipan kong bilhan ang sarili ko ng isang relo na tingin ko’y makapagpapasaya sa akin at ang tingin ko’y matutulungan ako sa aking problema. Marahil mahal ito sa paningin ng nakararami pero ginawa ko na rin itong suhol upang pagbutihin ang lahat ng gawain ko. Ipapangako ko sa sarili ko na kung hindi ko man mabawasan o tuluyang mapigilan ang pagiging late ay ito na ang una at huling beses kong bibilhan ng relo ang sarili ko.

Ang relong ito ay nabili ko sa Tomato Time sa halagang P1,000. Kasama  sa starter kit ang napiling disenyo o face ng relo at 2 kulay ng strap na gugustuhin mo. Maaaring pagpalit-palitin ng strap at mukha ng relong ito kaya nababagay ito sa mga taong iba-iba ang trip sa araw-araw.




  1. kianventures posted this